-- Advertisements --
image 353

Nagpapatuloy na ang pakikipag-ugnayan ng mga concerned agencies at otoridad kasama ang0 local government unit ng Camalig, Philippine Air Force (PAF), Philippine Coast Guard (PCG), Office of Civil Defense (OCD) at National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kasunod ng pagkawala ng isa na namang Cessna plane.

Ang Cessna 340 na may tail number na RP-C2080 aircraft ay nag-take off ngayong araw matapos umalis sa Bicol airport.

Una rito ay nagpalada na rin ang Civil Aviation Authority of the Philippines ng officers mula sa Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) para umalalay sa naturang insindente.

Base sa inisyal na ulat, 6:43 AM umalis ang sasakyang panghimpapawid. Ang huling kontak ay sa Camalig Cement Plant na dumadaan sa 2,600 ft bandang 6:48 AM at iniulat 20 miles mula sa Bicol Airport. Pagkaraan ng ilang minuto, sinubukan ng CAAP Control Tower na makipag-ugnayan sa eroplano ngunit walang tugon na ibinigay.

Ang piloto sa nasabing sasakyang panghimpapawid ay sina Capt. Rufino James T Crisostomo Jr. (PIC) at Joel G Martin (Crew) kasama ang dalawang pasahero na kinilalang sina Simon Chipperfield at Karthi Santanan, parehong mga mamamayan ng Australia.

Ibinunyag din ng BIA tower na nawalan ng komunikasyon ang subject aircraft bandang 7:30 AM sa isang lugar sa Bato, Camarines Sur.

Pinayuhan naman ng mga awtoridad ang mga residenteng malapit sa lugar na mag-ulat sa mga awtoridad para sa anumang nakitang nawawalang sasakyang panghimpapawid.