DAVAO CITY – Itinigil na ng Philipine Coast Guard (PCG) ang search and rescue operations sa naiwang anim na mga nawawalang mangingisda sa isang nalunod na bangka sa karagatan ng Baganga, Davao Oriental.
Ayon sa Coast Guard District Southeastern Mindanao, dakong alas onse kagabi napagdesisyunan ng grupo na ihinto na ngayong araw ang paghahanap sa anim na na-missing matapos ang pitong araw na paghahanap matapos ang insidente.
Ngunit nilinaw ng PCG na sa kabila ng pagtigil nito sa pghahanap, nakaalerto parin ang kanilang mga bangka sa palibot ng Davao Oriental para sa posibilidad na mapad-pad ang mga ito sa dalampasigan.
Sa ginawang imbistigasyon, ayon sa mga nakaligtas posible umanong natabunan sa bangka ang anim na na-missing dahil sa insidente.
Nilinaw naman nito ang unang report na hingil sa pagkasagip sa kapitan, ngunit kabilang ito sa anim na nawawala .
Kasulukuyang, tatlong labi ang narekober at 14 ang nasagip sa nangyaring pagkalunod sa FB Genesis 2, kung maalala noong Hunyo 2022 nangyari ang insidente sa kadagatan ng Baganganga Davo Oriental na may layong 182.81 nautical miles dahil sa sama rin ng panahon , na nagkaroon ng malalakas na alon, sanhi sa pagkalunod ng kanilang barko.