-- Advertisements --
gui3

(Update) ILOILO CITY – Umakyat na sa 28 ang opisyal na bilang sa mga patay habang lima naman ang missing sa pagtaob ng tatlong mga motorbanca sa Iloilo Strait noong Sabado, Agosto 3 .

Unang tumaob ang mga pumpboats na MB Chi-chi at Keziah 2 na mula sa Iloilo patungo sa Jordan, Guimaras pasado alas-12:00 ng tanghali nitong nakalipas na Sabado, Agosto 3.

Makaraan lamang ang tatlong oras, tumaob naman ang pumpboat na MB Jenny Vince.

Ang Chi-chi ang may sakay na 53 katao, apat na mga tripulante ang sakay ng Keziah 2, at 34 naman ang sakay ng MB Jenny Vince.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Senior Chief Petty Officer Marlon Buenavista, substation commander ng Philippine Coast Guard Dumangas, sinabi nito na nasa 96 ang kabuuang bilang ng mga pasahero at crew ang sakay ng tatlong mga pumpboats na tumaob.

Napag-alaman na halos nawasak na ang buong MB Jenny Vince nang matagpuan ito sa Brgy. Sapao, Dumangas, Iloilo.

May mga bangkay na natagpuan sa loob ng tumaob na pumpboat habang may mga bangkay naman na inanod sa dalampasigan ng mga coastal barangay sa nasabi ring bayan.

Base naman sa data mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Guimaras, 86 ang kabuuang numero ng mga pasahero kung saan 75 ang nasa manifesto, habang may 11 naman na wala ang pangalan sa manifesto.

Nananatiling nasa 53 pa rin ang numero ng mga survivors.

gui1
dead iloilo1
pcg rescue
PCG boat
PCG search iloilo