-- Advertisements --

boat2

Nagpapatuloy ang search and retrieval operations ng buong Naval Task Group – Sulu 2.0 para ma-locate ang katawan ng pitong napatay na notorious ASG kidnappers matapos makasagupa sa karagatan ng mga tauhan ng JTF Sulu.

Ayon kay NTG-Sulu 2.0 at 3rd Boat Attack Division commander, Cmdr. Philip Edward Lamug, ginagawa na nila ang lahat ng paraan para mahanap ang mga katawan ng mga teroristang Abu Sayyaf.

Sinabi ni Layug, na-divide sa apat na quadrants ang encounter site kung saan nakatutok ngayon ang search teams.

Nakabantay din ang isang patrol craft at isang Multi-Purpose Assault Craft (MPAC) sa posibleng paglutang ng mga cadavers ng pitong ASG terrorists.

Sinabi ni Lamug nasa dalawa hanggang apat na araw maaring umangat na ang mga cadavers at maari ring mapadpad ang mga ito sa mga shoreline.

Aniya, hindi rin ligtas para i-dive ito ng mga sundalong divers dahil sobrang lalim ng dagat.

Inihayag din ni Lamug na kasalukuyang naka-standby ang diver team ng Special Forces na onboard sa nasabing barko.

boat2 1

Nakipag-ugnayan na rin ang militar sa mga residente ng Parang at Bato-Bato sa bayan ng Indanan para magsagawa ng patrulya sa mga shoreline at maging ang mangingisda sa lugar ay tumutulong na rin.

Ayon naman kay JTF Sulu commander M/Gen. William Gonzales, na ongoing ang imbestigasyon kaugnay sa insidente at malaki ang posibilidad na nakasuot ng heavy bandoleers ang mga ASG kidnappers kaya hindi umangat sa karagatan ang cadavers ng pitong ASG terrorists.