Pinangunahan ni PNP chief Gen. Debold Sinas ang ongoing search, rescue and relief operations sa bahagi ng Cagayan dulot ng malawakang pagbaha.
Agad kasi pinag-utos ni Sinas ang deployment ng kanilang mga search and rescue units sa nasabing lugar para tulungan ang mga kababayan natin na istranded sa tubig baha sa Cagayan at Isabela.
Lahat ng PNP units, pinamobilized ni Sinas na tumulong sa search and rescue effort.
Ang Police Regional Office 2 ang siyang may kontrol sa lahat ng PNP units na nagsasagawa ng search and rescue effort.
Ang PNP-Maritime Group naman ay nag dispatch na rin ng mga rescue boats .
Tatlong teams mula sa PNP Special Action Force (SAF) kasama ang dalawang trucks sakay ang Kalinga PDRRMO para tumulong sa mga kababayan natin sa Cagayan.
Namahagi din ng relief goods ang PNP sa mga apektadong kababayan natin sa Cagayan.
Samantala, sumailalim sa swab test ang team ni PNP Chief ng magtungo ito sa Cagayan Valley kahapon para pangunahan ang search, rescue and relief operations sa nasabing lugar.
Ito ay bahagi ng protocol na ipinatutupad ng IATF 19 para masiguro na ligtas sa possible infection ang grupo ni Sinas habang tumutulong sa ating mga kababayan.