-- Advertisements --
patikul sulu

Dinala na umano sa mainland Sulu ang limang bihag na mga Indonesian fishermen na dinukot sa karagatan ng Sabah, Malaysia.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Wesmincom commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana sinabi nito na kanila nang natukoy ang posibleng kinaroroonan ng limang kidnap victims na hawak na ngayon ng isa sa mga sub-leader ng Abu Sayyaf group (ASG) sa ilalim ng pamumuno ng leader na si Hatib Hajan Sawadjaan.

Ayon kay Sobejana sa ngayon wala pang sightings ng mga kidnap victims at maging ng kanilang mga abductors.

Tiniyak ng heneral na agad silang maglulunsad ng search and rescue effort sa sandaling matunton ang mga ito.

Pinarerebyu na rin ni Gen. Sobejana ang trilateral cooperative agreement sa pagitan ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia.

Ang mga insidenteng pagdukot sa karagatan ay nangyayari sa karagatan ng Malaysia at dinadala na lamang ang mga biktima sa Pilipinas.

cirilito sobejana
Westmincom chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana

“We will review our security posture, consistent with our TCO, Trilateral Cooperative Agreement with Malaysia and Indonesia na dapat mabantayan natin ng husto ang ating maritime domain particularly the common area,” wika pa ni Lt. Gen. Sobejana.