-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dumating na sa Consolacion City, Cebu, ang LCT Cebu Great Ocean barge na hinila ng tugboat matapos itong mapadpad sa dalampasigan ng Barangay Cantapoy sa bayan ng Malimono, Surigao del Norte.

Kung maaalala, sakay nito ang 20 tripulante na sa ngayon ay pito pa ang nawawala, pito rin ang mga nakaligtas at anim ang mga casualty, matapos abandonahin sa kasagsagan ng Bagyong Bising.

Ayon naman kay Philippine Coast Guard-Surigao del Norte Commander Elaine Pangilinan, extended ang kanilang search and retrieval operations sa pito pang missing na crew matapos hilingin ng kanilang mga kaanak nang kanila na itong tinapos nitong Biyernes.

Samantala, sinabi naman ni Eliel Mangubat, information officer ng Maritime Industry Authority-Caraga, na unti-unti nang naibigay sa pamilya ng mga namatay na tripulante ang P300,000 cash assistance ng Cebu Great Ocean barge.

Maliban pa ito sa tulong sa pamilya ng pinaghahanap pang missing na tripulante.