-- Advertisements --

Nasuspendi ang isinasagawang paggalugad sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga na ni-raid kamakailan.

Ito ay matapos na bawiin ng korte ang inisyung search warrant bunsod ng ilang technicalities at legality dahil hindi partikular na tinukoy ang mga indibidwal at mga gamit na kanilang hahanapin ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Dr. Winston Casio

Kayat nag-apply ang PAOCC para sa ibang search warrant mula sa ibang korte.

Nagsasagawa na rin sila ng internal investigation sa gitna ng mga pangamba ng posibleng leaks.

Sa parte naman ng SC, sinabi nito kamakailan na iimbestigahan nila ang mga alegasyon na ilang mga indibidwal ang nasa likod ng POGO hubs na maaring mayroong impluwensiya sa judiciary.

Una rito, nagkasa ng raid noong Miyerkules ang mga awtoridad sa naturang POGO hubkung saan nadiskubre ang ebidensiya ng panonorture at kidnapping. Humantong din ito sa pagkakasagip ng mahigit 100 mga dayuhan.