KALIBO, Aklan – Mahigpit na ipinagbabawal muna ng Philippine Coast Guard (PCG)-Aklan ang pagsasagawa ng anumang seasports activities sa Boracay at buong lalawigan ng Aklan.
Sa ipinalabas na advisory na pirmado ni Coast Guard Commander Jose Jacinto, Jr., ipinagbabawal ang naturang aktibidad at tanging pangingisda lamang ang pinapayagan.
Ito ay bilang pagsunod sa ipinalabas na Executive Order No. 019 series of 2021 ni Aklan Governor Florencio Miraflores kaugnay sa paglalagay sa Aklan sa modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang Agosto 15 kasunod ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ilan sa mga sikat na seasports activities sa Boracay ay ang banana boat ride, jet ski, paraw sailing, windsurfing, kiteboarding at iba pa.