-- Advertisements --

Mayroon nang karagdagang pagkukunan nang fresh water suppy ang mga residente sa bayan ng Bantayan sa hilagang parte ng Cebu.

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Bantayan na tapos na ang pagtatayo ng seawater desalination plant nito sa Barangay Luyongbaybay at ngayon ay handa nang gumana.

Nagsagawa rin ng water tasting test ang mga opisyal ng Bantayan noong araw ng Martes, Marso 8, 2022, upang matiyak na ligtas na gamitin ang tubig na galing sa dagat, at na iprinoseso ng planta.

Itinatag ang seawater desalination plant upang magbigay ng alternatibong mapagkukunan ng freshwater supply sa mga residente sa Bantayan, partikular na ang mga mula sa islet-barangay at mga lugar na wala pa ring access sa maiinom na tubig.

Bilang bahagi ng isang grupo ng isla na matatagpuan sa humigit-kumulang 140 kilometro sa hilagang-silangan ng Cebu City, kakaunti ang tubig-tabang sa surface water ng Bantayan.

Karamihan sa mga lokalidad sa Cebu ay gumagamit ng surface water bilang pinagmumulan ng tubig-tabang.

Sa ulat mula sa internasyonal na organisasyong pangkapaligiran na Mongabay, nananatiling hamon ang pagpapanatili ng sariwang tubig sa Bantayan Island. – BJR