-- Advertisements --
Magtatanggal ang themepark na SeaWorld sa Orlando ng nasa 2,000 empleyado dahil sa epekto p rin ng coronavirus pandemic.
Sinabi ni Kyle Miller, Park President, nasa 1,896 na empleyado nila ang kanilang tatanggalin.
Sumulat na rin ito sa State of Florida, na siyang requirement ng mga employers sa Florida para makapagsumite ng Workers Adjustment and Retraining Notification (WARN).
Nagsara kasi ang themepark noong March 16 at ito ay nagbukas noong Hunyo pero limitado pa rin ang mga bumibisita.
Ilan sa mga naapektuhan posisyon ay ang security officers, waiters, waitresses, performers, sales clerks at photographers.