-- Advertisements --
Martin Andanar
PCOO chief Martin Andanar

CAGAYAN DE ORO CITY – Umapela na rin si Presidential Communications Sec. Martin Andanar sa publiko lalong lalo na sa mga kasapi ng KAPA Ministry International Inc. na itakwil ang founder nito na si Pastor Joel Apolinario.

Ginawa ni Andanar ang apela matapos ang isinagawang meeting ng Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) sa Malaybalay City, Bukidnon nitong Biyernes.

Iginiit ng opisyal na hindi dapat magpatuloy ang operasyon ng KAPA dahil isa itong investment scam.

Naniniwala si Sec. Andanar na marami pang mabibiktima ang KAPA kung hindi inutos ni Presidente Rodrigo Duterte ang pagpapasara sa mga tanggapan nito.

Aniya, dapat ding mag-ingat ang publiko sa iba pang investment group na may kahalintulad ng modus sa KAPA dahil sila lamang ang magsisisi sa huli.

KAPA JOEL APOLINARIO 2
KAPA founder Pastor Joel Apolinario

Ayon pa kay Andanar, mas mainam umanong ilagak na lamang sa legal na negosyo tulad ng sari-sari store ang perang pinagpaguran sa mahabang panahon kaysa mapunta ito sa wala katulad ng sinapit ng mga KAPA victims.