-- Advertisements --

Hindi nagustuhan ni National Security Adviser, Secretary Eduardo Año ang pahayag ni Chinese Ambassador in the Philippines Huang Xilian na tila nagpapakalat ng takot at tinatakot ang bansa na posibleng madamay ang mga OFW na naninirahan at nagtatrabaho sa Taiwan kaugnay sa nangyayaring tensiyon duon.

Ito’y kasunod sa pahayag ng Chinese envoy sa pagpapatayo ng apat na bagong EDCA sites sa pagitan ng Pilipinas at America. Isa kasi dito malapit sa Taiwan Straight.

Binigyang-diin ni Seretary Año na kanilang sinusunod ang One China Policy at sumasang-ayon sa prinsipyo ng ASEAN na walang pakialaman sa pagharap sa mga isyu sa rehiyon.

Sinabi ng Kalihim na ang pangunahing alalahanin sa ngayon ng Philippine government sa Taiwan ay ang kaligtasan at kagalingan ng higit sa 150,000 Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa isla.

Ipinunto ni Año na hindi nila palalagpasin ang anumang hakbang na ginagawa ng mga bisita sa ating bansa na nagpapakalat ng takot at takutin tayo mismo.

” We observe the One China Policy and subscribe to the ASEAN principle of noninterference in approaching regional issues. Our primordial concern in Taiwan is the safety and well-being of the more than 150,000 Filipinos living and working on the island and we take grave exception to any effort by guests in our country to use this to fearmonger and intimidate us,” pahayag ni Año.

Sinabi ni Sec. Año, target ng Pilipinas na pakalasin pa ang defense capabilities dahilan na pinaigting pa ang security cooperation sa Estados Unidos sa ilalim ng 72-year old na Mutual Defense Treaty sa pagitan ng dalawang bansa.

Binigyang-diin ng Kalihim na walang intensiyon ang Pilipinas na makisawsaw sa isyu ng Taiwan kasunod ng naging pahayag ng Chinese Ambassador in the Philippines Huang Xi Lian sa ginanap na forum sa Manila.

Layon ng pina-igting na security cooperation ng Pilipinas at Amerika ay para i-develop at palakasin ang capabilities ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng sa gayon magawa nitong protektahan at idepensa ang teritoryo ng bansa.

” It is not meant to contain or counter any nation in the region or to interfere in another nation’s affairs,” pahayag ni Año.

Iniisip ngayon Philippine government kung paano nito mapabuti ang defense capability ng militar, pag modernize sa mga kagamitan at mga assets nito at mag-develop ng mga infrastructure.