Iniutos ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na paigtingin pa ang kanilang hakbang para mapanatili ang disiplina sa kanilang hanay sa kabila ng mga naitalang karahasan na kinasasangkutan ng ilang police personnel.
Ayon kay Ano direktiba nito kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na striktong isupervice ang kanilang mga tauhan, tiyakin nananatili ang disiplina at rebyuhin ang mga kanilang Standard Operating Procedures (SOP) protocols sa mga police officers lalo na yung mga naka off duty.
Pinapa- expedite naman ng kalihim ang resolution ng mga pending cases lalo na duon nananatili sa holding units.
Nais din ni Ano na magkaroon ng periodic neuropsychiatric tests ang mga pulis at magkaroon ng counselling programs para sa lahat ng concerned police officers sa lahat ng PNP units.
Pinasisiguro din nito na striktong sundin ang recruitment process para sa mga bagong police recruit.
Pinag-aaralan na rin ni PNP Chief na magsagawa ng regular neuropsychiatric tests sa mga police personnel kasunod ng insidente kung saan binaril patay ni PMSgt Hennsie Zinampan ang isang 52-anyos na ginang sa Fairview,QC.