Kinumpirma ni Interior Secretary Eduaro Año na mayroong ilan na nagbabayad sa mga tinutuluyang hotels para tumakas sa kanilang quarantine.
Ayon kay Año, minsan mismong ang mga kaanak ang siyang nagpe-pressure sa mga taong naka-quarantine na tumakas at ikutan ang protocols para makasama na nila sila lalong madaling panahon.
May ilan nga na sa mga fire exit ng mga hotel quaranine tumatakas, ayon sa kalihim.
Pero mayroon na aniyang kinasuhan ang Bureau of Quarantine laban sa mga lumalabag sa quarantine protocols.
Disyembre 23 nang tumakas sa kanyang hotel quarantine ang isang returning overseas Filipino mula United States para dumalo sa isang party at mag-ikot sa mga retaurants sa Poblacion, Makati.
Noong Disyembre 27, natukoy na nagpositibo sa COVID-19 ang naturang babae, at kalaunan pati rin ang kanyang mga kasamahan sa party at staff ng mga pinuntahang restaurants.