Pabor si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa naging desisyon ng ilang mga local government units (LGU) chiefs na papayagan lamang na bakunahan ang mga batang may edad 5 to 11 years old kung may consent ng mga magulang at ng kanilang guardians.
Sinabi ni Año na ang Parents consent ay isang mahalagang requirement bago turukan ng bakuna ang isang menor de edad.
Ginawa ni Sec Año ang pahayag matapos ihayag nina Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte, Valenzuela City Mayor Rexlon “Rex” Gatchalian, Malabon City Mayor Antolin “Lenlen” Oreta III, at Navotas City Mayor Tobias “Toby” Tiangco na naglabas ng hiwalay na kondisyon kahit siniguro ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ang mga nasabing bakuna ay ligtas.
Tanging ang Pfizer vaccine lamang ang inaprubahan na gamitin ng Philippine Food and Drug Administration para sa 5 to 11 year olds.
“Parent’s consent is a requirement before any child is administered with Covid (coronavirus disease 2019) vaccine,” mensahe ni Sec. Año.