Pinuri ni DILG Secretary Eduardo Año ang 17 local government units ng National Capital Region (NCR) dahil sa pagpasa ng mga ito ng ordinansa na naglilimita sa galaw ng mga hindi bakunadong indibidwal at hinimok din ang mga mga LGUs sa mga probinsiya na sundin ang kahalintulad na hakbang.
Ayon sa kalihim ang naturang hakbang ng mga Metro Manila Mayors at City Councils ay para sa kapakanan ng lahat bakunado man o hindi, layon nito para hindi na lumubo ang mga Covid-19 cases sa bansa.
Kaya lubos ang pasasalamat ni Ano sa mga LGUs na agad tumugon sa panawagan ng Pangulong Rodrigo Duterte at sa tawag ng pagkakataon ngayong panahon ng pandemya.
Inihayag ng kalihim na sa 17 LGUs sa Metro Manila na nag pasa ng polisiya hinggil sa mga unvaccinated individuals, 14 dito ang inaprubahan ang ordinansa.
Ito ay ang mga siyudad ng Caloocan, Malabon, Mandaluyong, Manila, Marikina, Muntinlupa, Quezon, San Juan, Valenzuela, Makati, Navotas, Pasig, Parañaque, at ang municipality ng Pateros.
Habang ang siyudad ng Las Piñas City, Pasay City, at Taguig City ay naglabas ng executive orders restricting the movement of the unvaccinated.
Sinabi ni Ano na malaking bagay ang nasabing ordinansa na ipinasa ng LGU sa Metro Manila.
Nanindigan naman ang kalihim na ang naswabing direktiba ng DILG ay hindi unconstitutional at hindi paglabag sa person’s right to privacy.