-- Advertisements --

Kinumpirma ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ilan sa mga cabinet members at personahe mula sa Presidential Security Group (PSG) ay nabakunahan na mula sa COVID-19.

Ayon kay Año, hindi na siya puwedeng magbunyag ng mga impormasyon dahil confidential ito at maaaring ma-violate niya ang pribadong buhay ng bawat isa.

DILG eduardo ano IATF

Ngunit alam niyang may ilang cabinet member at Presidential Security Group members ang nagpabakuna.

Nilinaw naman nito na wala pang COVID-19 vaccine ang nakakuha ng approval mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Para kay Año, ginagamit ang mga bakuna para sa health workers at iba pang frontliners dahil sa emergency use authorization.

Aniya, kahit hindi pa “formally at finally approved” puwede gamitin ‘yan ng mga health workers at frontliners sa panahon ng pandemya.

Napag-alaman na tanging ang Pfizer-BioNTech ang nag-apply ng emergency use authorization (EUA) para sa bakuna sa Pilipinas batay sa isiniwalat ni Presidential spokesman Harry Roque.