-- Advertisements --
LA UNION – Dinaluhan ng iba’t ibang local government units, mga empleyado ay opisyal Department of Social Welfare & Development (DSWD) ang 69th anniversary ng DSWD sa La Union.
Ito ay may temang “Social Integration: DSWD’s Major Thrust in line with Philippine Development Plan 2017-2020” kung saan nagsilbing pangunahing pandangal si DSWD Sec. Rolando Bautista.
Pinuri ni Bautista ang DSWD Region 1 kung saan nabigyan ng awards ang mga partners at staff nito sa mga nagawa nila upang mas mapaganda pa ang programa at serbisyo nga mga ito.
Sa isinagawang press conference, iginiit ni Sec. Bautista na tututukan nito ang iba pang programa at serbisyo ng ahensya.