CAUAYAN CITY – Bukod sa masusing pag-aaral sa hiling na itaas ang sahod ng mga manggagawa ay mayroon ding rekomendasyon si Labor Secretary Silvestre Bello III kay Pangulong Rodrigo Duterte kung paano matulungan ang mga workers at employer.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Kalihim Bello na secret at hindi muna siya magbibigay ng detalye sa kanyang rekomendasyon.
Ayon pa sa Kalihim, mayroon na silang natanggap na walong wage hike petition mula sa ibat ibang rehiyon na pag-aralang mabuti ng mga Regional Wage Board.
May humihiling ng pagtaas ng sahod sa bawat rehiyon at mayroon ding across the board wage increase.
Ang buying capacity aniya ng mga manggagawa ay mahina na dahil sa mataas na presyo ng langis at mga pangunahing bilihin kaya pag-aaralang mabuti at dadaan sa proseso.
Ayon kay Kalihim Bello, sa Regional Wage Board ay may kinatawan ang mga manggagawa, employer, NEDA, DTI at pag-aaralan ang socio-economic factors sa bawat rehiyon.