-- Advertisements --

Binalaan ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang mga gumagamit ng electronic wallets services at kahalintulad nito na huwag basta ipahiram ang kanilang account sa ibang tao.

Ayon sa SEC na may ilang ulat na nakarating sa kanila na ginagamit umano ng ilang ang ilang mga e-wallets at online banking sa iligal na pamamaraan gaya ng pang-ii-scam.

Kadalasan aniyang nangyayari ang mule accounts o money muling activities kapag pinapayagan ang bank accounts, e-wallets at ibang online financial platform na gamitin ng ibang tao.

Mahaharap sa kaparusahan ang sinumang mahuling sangkot sa money muling gaya ng pagkakakulong ng hanggang 14 na taon o multa ng hanggang P5 milyon.