-- Advertisements --
Iginiit ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na marapat lamang buwisan ang honoraria ng mga magsisilbing guro sa May 13 polls alinsunod sa Saligang Batas.
Ginawa ni Briones ang pahayag na ito sa gitna ng mga panawagan sa pamahalaan na huwag nang buwisan ang naturang honoraria.
Sinabi ni Briones na nakasaad sa Saligang Batas na lahat ng uri ng compensation ay dapat binubuwisan.
Para mabago ito, kailangan na magkaroon daw muna ng panibagong batas para maamiyendahan ang National Internal Revenue Code of 1997.
Gayunman, sinabi ng kalihim na dapat magsilbing mabuting ehemplo ang mga gurng ito sa mga mag-aaral hinggil sa wastong pagbabayad ng buwis.