-- Advertisements --

Humiling ang kampo ni Kapa Community Ministry International Inc. (KAPA) founder Pastor Joel Apolinario sa Department of Justice (DOJ) na ibasura ang kasong isinampa laban sa kanila ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Nitong umaga nang mag-resume ang imbestigasyon ng DOJ sa criminal case na paglabag sa Securities Regulation Code na inihain ng SEC laban sa Kapa.

No show pa rin ang Kapa founder sa pagdinig, at mga abogado lang nito ang dumalo.

Bukod sa SEC case, nahaharap din si Apolinario at mga opisyal ng Kapa sa hiwalay na kasong syndicated estafa sa National Bureau of Investigation.