-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Itinanggi ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang ilang ulat na naglabas ang isang korte ng temporary restraining order (TRO) upang pagbigyan ang petisyon ng KAPA-Community Ministry International, Inc. laban sa cease and desist order (CDO) na unang inilabas ng komisyon kontra sa investment scam.

Batay sa latest advisory na inilabas ng SEC, nakatanggap umano sila ng report kaugnay sa kumalat na video sa YouTube na nagsasabing nakakuha raw ang KAPA ng TRO laban sa CDO.

Bilang paglilinaw, inihayag ng SEC na idineklarang “denied” ni Presiding Judge Joyce Kho Mirabueno ng Regional Trial Court (RTC) Branch 58 sa lungsod ng Heneral Santos, ang inihaing mosyon ng kampo ni Pastor Joel Apolinario, founder ng KAPA na humiling na magpalabas ng 72-hour-TRO laban sa inilabas ng SEC na CDO.

“This Commission has received reports that there is a circulating YOUTUBE video featuring the alleged news stating, among others, that KAPA PADAYON has obtained a Temporary Restraining Order (TRO) against the CEASE & DESIST ORDER (CDO) issued by the SEC against KAPA-COMMUNITY MINISTRY INTERNATIONAL, INC. (KAPA) and its allied entities.”

Dahil dito nanindigan ang SEC na nananatiling epektibo at valid ang cease and desist order na kanilang inilabas laban sa KAPA.

Kasabay nito, muling nagbabala ang komisyon sa publiko sa pag-invest ng kanilang pinaghirapang pera para lamang kumita ng 30 porsyento sa KAPA.

“To set the record straight, the application for issuance of a TRO filed by KAPA before Branch 58 of the Regional Trial Court, General Santos City, was DENIED by the Honorable Presiding Judge JOYCE KHO MIRABUENO in the ORDER dated 01 March 2019, the pertinent portion of which reads, asfollows:

“Thus, we find that in the present petition, the Regional Trial Court of General Santos cannot properly issue a 72-hour-TRO to stop the implementation of a SEC Advisory (Annex A) and a SEC Cease and Desist Order (Annex B). WHEREFORE, premises considered, the prayer for the issuance of a 72-hour-TRO is DENIED. The Office of the Clerk of Court of the Regional Trial Court is directed to comply with the procedure in Section 5 of Rule 58 of the Rules of Court on Preliminary Injunction, and to serve a copy of this order upon petitioner, through counsel.”

Nag-abiso rin naman ang SEC sa publiko na bukas ang kanilang hotline na nais magkaroon pa nang paglilinaw sa naturang usapin:

“It must be stressed that the CDO issued by the SEC against KAPA, remains effective and still valid. Hence, the public is hereby warned to be cautious in dealing with the above-mentioned KAPA and its allied entities, particularly in investing their money with said entities. The public is hereby advised to call the Enforcement and Investor Protection Department at telephone nos. (02) 818-6337 or (02) 818-5324 for any inquiries/clarifications and updates on this matter.”

SEC