Aminado si Agriculture Secretary William Dar na kailangan pang palakasin lalo ang integrated regulatory enforcement unit tulad ng Sub-Task Group on Economic Intelligence (STG-EI) at ang first border protection ng bansa.
Sinabi ito ni Dar kasabay ng kanyang pangako na palalakasin pa lalo ang hakbang ng DA laban sa korapsyon sa loob ng kagawaran at pagpapanagot sa mga sangkot sa smuggling ng agri-fishery products.
Iginiit ni Dar na “systematic” problem na ang smuggling sa Pilipinas kaya nga patuloy sila sa pagbibigay ng babala sa mga opisyal o staff ng kagawaran na sangkot sa issue na ito.
“We will not hesitate to file administrative charges against them. We will act swiftly and decisively against those involved among our ranks, whether rank-and-file employees or high-ranking officials,” ani Dar.
“While we continue to be vigilant against illegal activities and smuggling of agri-fishery products, these efforts will remain palliative if our border controls will remain flimsy,” dagdag pa niya.
Sa kabilang dako, nanawagan ang kalihim sa mga mambabatas na magbigay ng budgetary support na magpapahintulot sa Bureau of Customs at DA na makapag-transition patungo sa mas centralized na digital system para mas malabanan ang smuggling.