-- Advertisements --

VIGAN CITY – Nakatakdang simulan ng pamahalaan ang pag-aangkat ng pulang sibuyas sa ibang bansa ngayong araw upang bumaba ang presyo nito sa merkado hanggang sa anihan ng mga local na magsasaka.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na mula ngayong araw hanggang sa kalagitnaan ng Pebrero o unang linggo ng Marso ang pag-aangkat ng pulang sibuyas.

Ito ay base na rin sa rekomendasyon ng Bureau of Plant Industry sa DA.

Aabot umano sa 17,000 metric tons ang buwanang kailangan ng bansa para maging sapat ang suplay nito sa merkado at bumaba na ang kasalukuyang presyo na aabot sa P250 kada kilo.

Tiniyak naman ni Dar na sapat ang suplay ng puting sibuyas sa bansa para sa demand ng mga consumers.