Dumipensa muli si Agriculture Secretary William Dar kung bakit nag-aangkat pa rin ng isda sa labas ng bansa ang Pilipinas.
Ginawa ni Dar ang muling pagpapaliwanag dahil sa batikoy sa kanyang departamento maging ng mga mangingisda dahil may sapat naman daw na suplay ng isda sa bansa.
Giit naman ng kalihim meron pa ring shortage ng local supply ng isda, maging ng karne ng baboy at bigas.
Kabilang aniya ito sa epekto ng giyera sa Ukraine at sa matagal ng panahon na napabayaan ang sektor ng agrikultura.
Ayon pa kay Dar nasa 92% lamang daw ang suplay ng bigas at kulang na kulang ang local food production.
Ikinalungkot din nito na kung tutuusin nasa 1.5% lamang ang inilaang budget sa agriculture sector kumpara sa ibang bansa na umaabot sa 3.5% hanggang 6% ng kanilang kabuuang budget budget.
Ngayong taon ang DA ay humihiling ng alokasyon ng P24 billion additional budget.
Una nang inilatag ni Sec. Dar sa Bombo Radyo ang kanilang action plan bilang paghahanda kung sakaling madamay ang Pilipilipinas sa pinangangambahang food crisis.