-- Advertisements --

DAVAO CITY – Tiniyak ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na nakahanda ang ahensiya na tulongan ang mga hog raisers sa lalawigan ng Davao Occidental na apektado ngayon ng African swine fever (ASF) matapos makumpirma na nasa 1,000 mga alagang baboy ang apektado ng nasabing disease.

Ayon pa kay Dar aasahan na mapipigilan ang pagkalat ng ASF sa lalawigan dahil sa ipinatupad ngayon na lack down ito ay para hindi na makatawid sa ibang lugar sa Davao region.

Napag-alaman na maliban sa Don Marcelino, apektado rin ngayon ng ASF ang munisipalidad ng Malita sa naturang lalawigan.

Nanawagan na lamang ngayon ang opisyal sa kapulisan na makipag-ugnayan sa ahensiya para mapigilan ang pagkalat sa ASF.

Sinabi ng opisyal na ilan sa mga posibleng dahilan na nakapasok ang ASF sa Davao region ay ang pagdadala ng karne na mula sa mga lugar na apektado ng nasabing disease.

Patuloy naman ngayon ang ahensiya sa kanilang ginagawang imbestigasyon kung papano naapektohan ang mga alagang baboy sa rehiyon ng ASF lalo na at sa Maynila ito nagmula.

Napag-alaman rin mula sa kalihim na maaaring maka-utang ng P30,000 ang bawat hog raisers na apektado ng ASF para makapagpatuloy ito sa kanilang hanapbuhay.