-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inanunsiyo ni Atty. Jamilla Estares, officer-in- charge ng Securities and Exchange Commission (SEC) Davao na maglalagay sila ng help desk para matulungan ang mga nabiktima sa iba’t ibang investment scheme sa rehiyon at sa mga katabing lalawigan.

Layunin umano sa nasabing hakbang na matulungan ang mga investors na maibalik sa kanila ang nawala nilang pera.

Ayon pa kay Atty. Estares, hindi nila pababayaan ang mga biktima na hindi mabawi ang kanilang mga pera sa mga investment scams sa Davao region gaya na lamang Kabus Padatoon o Kapa Community Ministry International Inc. (KAPA) na milyong katao ang nabiktima kung saan karamihan sa mga ito ay hindi na nakuha ang kanilang investments.

Sinabi ni Atty. Estares na ginawa nila ang nasabing hakbang para maprotektahan ang mga tao laban sa mga panloloko.