-- Advertisements --
Marawi
Marawi City

CAGAYAN DE ORO CITY – Mariing kinontra ni Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC Secretary at Task Force Bangon Marawi Chairman Eduardo del Rosario ang alegasyon ng mga residenteng naapektuhan ng Marawi siege.

Una nang sinabi ng mga internally displace persons o IDP’s na mabagal ang rehabilitasyon ng Marawi at hindi tinupad ng pamahalaan ang pangako nitong payagan silang makabalik sa buwan ng Hulyo.

Sa isang panayam, sinabi ni Sec. del Rosario na on-track ang Marawi rehabilitation at matatapos ito sa buwan ng Disyembre taong 2021.

Ayon sa kalihim, walang humpay ang pagta-trabaho ng 56 na ahensiya at departamento ng pamahalaan upang mapabilis ang rehabilitasyon.

Aniya, nagpapatuloy ang clearing operations sa mga nawasak na gusali at hindi sumabog na mga bomba sa ground zero at inaasahang matatapos ito sa buwan ng Agosto at Nobyembre.

Nagpapatuloy rin umano ang pre-procurement process ng mga materyales sa gagamitin sa pagpapatayo sa mga gusali at bahay na nawasak sa giyera sa pagitan ng militar at Maute-ISIS group.