Nagisyu ngayong araw si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ng isang Department Order (DO) na siyang naguutos na bumuo ng Flagship Project Management Office (FPMO) alinsunod sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas pabilisin ang mga proyektong binubuo sa ilalim ng big-ticket transportation projects ngayong taon.
Prayoridad kasi na matapos ngayon ang mga transport system infrastructure para sa mas maalwan na pagbyahe ng mga commuters at para sa mas mabilis na travel time na din ng mga ito.
Sa ilalim ng Department Order 2025-002, layon nito na ang DOTr-FPMO ang bumuo ng mga direct policies at matiyak na nabibigyan ng sapat na atensyon at oras ang pagtapos sa mga naturang proyekto.
Ang FPMO na rin mismo ang magmomonitor ng implementasyon ng mga direktiba at mamamahala sa magiging status ng mga infranstructure flagship projects (IFP’s).
Samantala, ayon naman kay Dizon, siya mismo ang mamumuno sa magiging PMO at personal niya umanong tututukan ang mga proyekto. Magpapatupad din umano siya ng mga strict timelines sa mga ito para sa agarang pagtapos ng mga ito para makapagpatupad ng target na deadlines para sa mga naturang proyekto.
Ang pagpapabilis din na matapos umano ng mga proyektong ito ay ang magiging game changer aniya sa transportation sector ng bansa at sa mas mainam na transportasyon ng mga commuters sa mga lansangan.
Makikipagugnayan naman ang DOTr sa iba pang sektor at mga attached agencies nito para sa mas mabilis na proseso at pagpapatupad ng DO.