-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tiniyak ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III na tututukan ang pagpapatayo ng mga district hospitals sa Iloilo.

Pahayag ito ng kalihim sa kanyang pagbisita sa mga dengue patients sa Lungsod at lalawigan ng Iloilo kung saan kanyang nasaksihan ang sitwasyon ng mga ospital na nagsisiksikan ang mga pasyente.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Duque, sinabi nito na kahit kulang ang mga medical equipment, masasabing hydration station na rin ang mga pagamutan kung saan binibigyan ng intravenous fluid ang mga pasyente na may dengue.

Ayon sa kalihim, ang nasabing fluid ay makakatulong upang maibsan ang epekto ng dengue hemorrhagic fever sa isang pasyente.

Nabatid na nasa state of calamity na ang Iloilo dahil sa dengue outbreak.