Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na muli itong nagpositibo sa Covid-19.
Ayon kay Año, nuong Biyernes siya nag pa swab test at kagabi lumabas ang result na nagpositibo siya muli sa virus.
Naniniwala ang kalihim na posibleng na- expose siya muli kaya tinamaan siya ng Covid-19 virus.
Inihayag ng kalihim wala naman siyang nararanasang sintomas kaya tuloy-tuloy lamang ang kaniyang trabaho.
Aniya, sa pamamagitan ng video conference lamang siya dumadalo sa mga pagpupulong.
Samantala sa statement na inilabas ng kalihim na nuong August 13 nakaramdam siya ng flu-like symptoms gaya ng sore throat at pananakit ng katawan kaya bagad siyang ng self-quarantine at nagpa swab test nuong Biyernes at kagabi lumabas ang result na muli siyang nag positibo sa Covid-19.
Sa ngayon mahigpit siyang mino-monitor ng kanilang mga doktor at naka isolate.
” I make this announcement to call the attention of all persons i had cloase contact with to go on self-quarantine, observe any symptoms in accordance with DOH guidelines and take appropriate action,” pahayag ni Sec. Ano.
Nanawagan naman si Año sa publiko na palaging magsuot ng mask, maghugas ng kamay at panatilihin ang social distancing.