-- Advertisements --
Nanghihinayang si Presidential Adviser on Poverty Alleviation (PAPA) Sec. Larry Gadon sa inilaang suporta kay Vice President Sara Duterte noong nakalipas na national elections.
Si Gadon ay tumakbo bilang senador noong 2022 elections sa ilalim ng grupo ng Marcos-Duterte UNITEAM.
Ayon sa kalihim, hindi niya lubos akalain na ganito ang ugali ng bise.
Tinawag rin nitong immature ang ginawang pagbabanta ni Duterte sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at Speaker Martin Romualdez.
Bukod dito ay hindi aniya pinag-iisipan at pinag-aaralan ng bise ang kanyang mga inilalabas na pahayag at kulang umano ang statesmanship nito.