-- Advertisements --
Tinawag ni Office of the Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon si Vice President Sara Duterte na mentally incapacitated o may problema na sa pag-iisip.
Ginawa ng kalihim ang pahayag matapos na pumutok ang balita hinggil sa banta ni Duterte laban kay PBBM.
Ayon kay Gadon, mas mainam na kumunsulta na sa doktor ang bise.
Ngayon lang din aniya may nangyaring pagbabanta ang isang bise presidente sa buhat ng pinakamataas na pinuno ng bansa.
Naniniwala rin si Gadon na ang hakbang ni Duterte ay pagpapakita lamang ng kawalang galang sa institusyun ng Pilipinas.
Sa ngayon, walang komento ang bise hinggil sa pahayag ni Gadon.