Kailangan umanong siguraduhin ng mga pampribadong kumpanya na magiging pantay ang distribusyon ng mga ito sa bibilhing coronavirus vaccine.
Ito ang naging mensahe ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., sa mga pampribadong kumpanya upang maiwasan ang pagbibigay ng “privileged access” sa mga suplay ng bakuna.
Nagbabala rin ang kalihim laban sa resale ng mga bakuna, mas makabubuti raw kung sisiguruhin ng mga ito na magiging libre ang pagbabakuna sa kanilang mga empleyado.
Una nang pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pampribadong sektor na bumili ng bakuna kontra sa COVID-19 para sa kanilang mga empleyado upang paigtingin pa ang vaccination efforts ng Pilipinas, subalit kailangan pa rin ng mga ito na dumaan sa tripartite deal sa gobyerno at supplier dahil ang mga bakuna ay aprubado lang para sa emergency use at hindi para sa commercial use.
Dagdag pa ni Galvez na walang commercial terms ang ginagawa aniya ng pamahalaan ay pinapayagan ang mga kumpanya na nagpo-pool in ng kanilang mga resources para bumili ng dagdag na bakuna.
Maaari namang gawing available sa murang halaga ang mga bakuna lalo na para sa mga kumpanya na hindi kayang sagutin ang extra suplay ng vaccine. May ilang empleyado kasi ang umaapela na isama ang kahit isang miyembro ng kanilang pamila sa vaccination program ng private sector.
Magugunita na inatasan ni Pangulong Diuterte si Galvez na pirmahan ang mga dokumento na nagbibigay pahintulot sa pampribadong sektor na bumili ng coronavirus vaccines na hindi inaalintana ang bilang at halaga nito.
Anbg hakbang na ito ay para paigtingin pa ang vaccine supply sa bansa at madagdagan pa ang immunization sa mga Pilipino mula sa coronavirus disease.