BUTUAN CITY – Nasa kostudiya na ng Police Regional Office (PRO) 13 ang secretary general ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) Caraga na si Virgilio ‘Ka Yoyong’ Lincuna, 68-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Banza nitong lungsod ng Butuan.
Ito’y matapos itong mahuli habang nakipagpulong sa kanyang mga kasamahang magsasaka sa kanilang regional office sa Brgy. Tiniwisan nito ring lungsod kaugnay sa arrest warrant na ipinalabas ng korte sa bayan ng Lianga, Surigao del Sur.
Si Ka Yoyong ay isa sa mga lider ng mga magsasaka mula pa noong dekada 80 at kasalukuyang secretary general ng Unyon sa mga Mag-uuma sa Agusan del Norte (UMAN) at ng KMP-Caraga at council member din ng KMP.
Isa din siya sa mga nanguna at nagpanalo sa away ng mga magsasaka para taasan ang presyo ng palay at kopra, paglaban sa land-grabbing, pagpapababa sa renta ng lupa, paninindigan para sa karapatang pantao laban sa pasismo ng estado at paglaban sa pagpasok ng mga higanteng minahan at mga palm oil plantations.