-- Advertisements --

Nakatakdang bumiyahe sa Amerika si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs, Secretary Frederick Go kung saan kaniyang isusulong na magkaroon “free trade agreement” ang Pilipinas at Amerika.

Tatalakayin ang nasabing usapin sa nakatakdang dayalogo sa pagitan ng dalawang bansa kasunod ng ipinataw na 17% tariff.

Ayon kay Secretary Go,ang kaniyang biyahe sa US ay para makipag dayalogo sa United States Trade Representative.

Hindi naman sinabi ni Secretary Go kung kailan ang nasabing pulong niya sa USTR.

Umaasa si Go na magbunga ng maganda ang kanilang negosasyon sa USTR partikular free trade agreement ibig sabihin zero tariffs sa panig ng Pilipinas at Amerika.

Una ng inihayag ng kalihim na may mga hakbang ng isinasagawa ang pamahalaan para tugunan ang ipinataw na 17% tariff ng Amerika sa Pilipinas.

Kasunod ito sa naging pulong ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kaniyang mga economic managers.

Ibinahagi ni Go ang mga hakbang na ginagawa ngayon ng pamahalaan kasunod ng 17% tariff na ipinataw ng US sa Pilipinas.

Una ang pakikipag ugnayan sa export industry upang pag usapan ang mga posibleng gagawin at kung paano sila matulungan ng gobyerno sa kasalukuyang sitwasyon.

Nakatutok din ang Pilipinas sa mga ipinatutupad na hakbang ng mga kapitbahay nating bansa kung ano ang kanilang reaksiyon at anong tugon ng US sa kanilang mga kahilingan.