Welcome sa Securities and Exchange Commission ang naging desisyon ng Korte Suprema pabor sa kanilang kahilingan na mabigyan ng kapangyarihan na makapag accredit ng external auditors.
Batay sa 18-pahinang desisyon ng SC, kinilala nito ang kapangyarihan ng SEC na mag-accredit ng mga certified public accountant.
Sila ang tatayong auditor sa lahat ng mga entity na sakop ng SEC katulad ng public company na nasa listahan ng stock exchange at maging sa investment firm.
Binaliktad ng Korte Suprema ang unang hatol kung saan ay sinasabing walang bisa at labag sa konstitusyon ang Rule 68, Paragraph 3 ng implementing rules and regulations ng Securities Regulation Code at ang Revised Guidelines on Accreditation of Auditing Firms and External Auditors.
Nakasaad sa regulasyon na ito ang mga guidelines sa pagbibigay ng accreditation sa mga external auditor para sa mga sakop nitong entity.
Una nang naghain ng reklamo ang isang partido at iginiit na lagpas na sa mandato ng SEC ang pag accredit ng mga external auditor.