-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang mataas na company registration nila noong nakaraang taon.

Umabot sa 52,304 kasi ang bilang ng mga bagong nagparehistro na mas mataas ng anim na porsyento noong 2023 na mayroong 49,506.

Sinabi ni SEC chairman Emilio Aquino na ang paglagapas ng 50,000 na bilang sa company registrations ay nagpapatunay lamang na nasa linya sila para maging legal ang mga registration ng mga kumpanya.

Pumalona rin sa 527, 710 na mga kumpanya ang nagparehistro na sa SEC sa pagtatapos ng 2024.

Nanguna naman ang Metro Manila sa may pinakamaraming mga bagong nagparehistro na sinundan ng Calabarzon at Central Luzon.

Pinapaganda na nila ngayon ang kanilang digital transformation para mapabilis ang pagpaparehistro at mailapit sa mga tao ang pagpaparehistro ng kanilang kumpanya.