KORONADAL CITY – Dinepensahan ng Securities ang Exchange Commission (SEC) Davao extension ang paratang na umano humingi ang kanilang tanggapan ng halagang aabot sa P50 million galing sa Mer’s Business Center para umano mabigyan ito nga secondary permit
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal, mariing pinabulaanan ni Atty. Katrina Ponco-Estares, OIC Director ng SEC Davao ang alegasyon na sinabi ni Roger Camingawan , Proprietor ng Mer’s Business Center sa isang pagtitipon nga kanilang grupo
Ayon sa Director, posibleng na kasali sa ni-rerequire na Authorized Capital ng SEC ang P50 million na kailangan sa investment activities ng isang negosyo para masustain at masigurong mababayaran ng isang kompanya ang mga investors kasama na rin ang ibat-iban requirements na ipapasa sa SEC at hindi hiningi ng kanilang taggapan para lang sa pagbibigay ng secondary license kung hindi kasama ang iba pang mga requirements na kailangan
Dagdag pa ng Director, ang head office lamang ng SEC at hindi Extension office ang nag eissue ng permit sa ganitong negosyo.
Ayon pa sa opisyal, dapat na maging mapagmatyag ang mga investors sa mga ganitong uri nga eskema dahil mauuwi lamang umano ito sa panloloko ng mga illegal na investmet schemes.
Aminado naman ang director na rehistrado naman talaga ang isang Grand Mers Lending Corporation sa kanilang tanggapan pero lending ang activity na ginagawa nito at hindi investment na may pay-out.
Sa ngayon, minamanmanan na umano ng SEC ang transaction ng Grand Mers Lending Corporation dahil sa maraming paglabag nito sa inilatag na panuntunan ng SEC
Ipinasiguro naman nito na mananagot ang mga taong nasa likod nga eskemang ito sa oras na mapapatunayang iligal ang kanilang ginagwang aktibidad.