Tiniyak ng Securities and Exchange Commission (SEC) na katuwang sila ng law enforcement bodies ng pamahalaan para habulin ang mga scam at gaming hubs sa Pilipinas.
Sa parte umano ng SEC, sila ang nagre-revoke sa mga lisensya ng ilang kompaniyang na nagpapagamit sa illegal gambling operators o kahit ang mga may SEC registration ngunit sangkot sa mga scam.
Ayon kay SEC Comm. McJill Bryant Fernandez sa exclusive interview ng Bombo Radyo, nakikipagtulungan sila sa mga sangay ng gobyerno para epektibong pagpapatupad ng angkop na aksyon.
Ibinalita rin ng SEC na unti-unti nang nababawasan ang mga scam at iba pang modus na dating namayagpag at nakapambiktima ng marami, bago pa man ang pandemic.
Isa sa nakikitang rason ng opisyal ay ang masugid na aksyon ng mga tagapagpatupad ng batas.
May iba na ring naipakulong na mga scammer at naipasarang mga kompaniyang pinatatakbo sa illegal na pamamaraan.