Nilinaw ngayon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi siya tatakbo bilang senador sa nalalapit na May 2022 elections sa kabila ng maraming panawagan.
Kinumpirma din ng kalihim sa Bombo Radyo sa pamamagitan ng isang text message na wala siyang balak tumakbo kahit pa hinihimok siya ng marami nitong kaibigan, ilang pinuno ng political parties, local governments, businesses, at campaign volunteers dahil sa maganda nitong government track record.
” No, Anne. Please see my tweet,” mensahe na ipinadala ni Lorenzana sa Bombo Radyo ng tanungin siya kung tatakbo siya sa 2022 elections.
Inamin ni Lorenzana na sumailalim siya sa honest-to-goodness assessment dalawang buwan na ang nakakaraan gamit ang isang decision grid, isang useful decision-making tool.
Si Lorenzana, ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1973, isang retired major general at diplomat.
Humingi ng paumanhin si Lorenzana sa mga indibidwal na nag reach out at nagpahayag ng suporta sa kaniya.
Lubos naman ang pasasalamat ni Lorenzana sa mga nagpahayag ng suporta sa kaniya.