Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na mas magandang alternatibo sa Mandatory Military Service ang mahusay na implementasyon ng Reserve Officer training course (ROTC) sa mga pribado at pampublikong paaralan.
Ang pahayag ay ginawa ng kalihim kaugnay ni isinusulong ni VP candidate Sara Duterte na mandatory military Service para sa lahat ng nasa wastong edad na mamamayan, kung siya ay mananalo sa halalan.
Ayon sa kalihim, suportado ng DND ang pagkakaroon ng mandatory military Service, dahil dadami ang reservists na AFP na handang magtanggol sa bansa at tumulong sa Humanitarian and Disaster Relief (HADR).
Magkakaroon din aniya ng pagsasanay at disiplina ang mga mamayan, at matututunan ng mga mamayan ang pagseserbisyo sa bansa.
Pero, ipinaliwanag ng kalihim na may mga malalaking hamon para maipatupad ang mandatory military Service, pangunahin dito ay ang budget na kailangan para sa pagtatayo ng mga training facilities para sa milyong-milyong kailangang sanayin bawat taon.
Marami din aniya ang inaasahang tututol sa pagseserbisyo sa militar, at hindi rin naman aniya nahaharap sa giyera ang bansa para mangangailangan ng mobilisasyon.
” We in the DND support the mandatory military service of 18-year-old Filipinos. There are several advantages: First, the military will have a ready and steady trained pool of reservists to defend the country and do HADR work; second, the training and discipline that they will acquire will make them better citizens; third, service to the country will be inculcated in them,” pahayag ni Sec.Lorenzana.