Pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang ceremonial turnover sa Philippine Air Force (PAF) ang bagong C-295 aircraft mula sa bansang Spain.
Ang turnover ceremonies ay isinagawa sa Haribon Hangar, Clark Air Base, Air Force City, Mabalacat, Pampanga kasama si Phil. Air Force Commanding General Lt. Gen, Rozzano D Briguez, at Spanish Ambassador to the Philippines His Excellency Jorge Moragas.
Ang C-295 turbo-prop aircraft na binili ng DND mula sa Airbus Defense and Space ng Spain ang pang-apat na C-295 ng Air Force.
Ayon kay Lorenzana, may plano pang kumuha ng karagdagang C-295 aircraft ang DND para magamit sa pagbabantay ng karagatan ng bansa.
Ayon naman kay PAF commanding general Lt.Gen. Rozzano Briguez, ang karagdagang C-295 ay mas makapagpapalakas sa air mobility ng Air Force, at magagamit din bilang command and control aircraft.
Kalimitang ginagamit ang mga eroplanong ito sa pagbiyahe ng mga kargamento at tropa sa mga combat operations at sa humanitarian and disaster relief operations.
Tiniyak naman ng Spanish Ambassador ang patuloy na supporta ng EspaƱa sa modernization program ng AFP.
“From airlifting personnel and logistical supplies to projecting military force as well as providing humanitarian assistance and disaster response, air mobility has been an indispensable capability that the Philippine Air Force provides through the competency of our pilots, crew and the aircraft that we possess. The aircraft personifies the guardians of our precious skies, and the bearers of hope,” pahayag ni Lt Gen. Briguez.