Nakatakdang isampa ngayong araw sa Department of Justice (DoJ) ang reklamo laban sa KAPA International Community Ministry.
Base sa abiso ni Securities and Exchange Commission (SEC) Chairman Emilio Aquino, partikular sa kanilang sasampahan ng reklamo ay si Pastor Joel Apolinario at misis nitong si Reyna.
Kasong paglabag sa SEC regulation code ang nakatakdang isampa sa mga opisyal ng KAPA.
Una rito, sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI)-Sarangani District Office Chief Regner Pineza na naglunsad na sila ng manhunt operation laban sa mag-asawa.
Huling nakita si Apolinario noong June 13 nang dumalo ito sa Calumpang Sports Complex sa General Santos City at pinangunahan nito ng kilos protesta ng kanyang mga miyembro.
Naglabasa naman ng memorandum si Department of Interior and Local Government (DILG) Region 12 Director Leiline Ortipara at inatasan ang mga lokal na pamahalaan na kanselahin na ang lahat ng mga business permits ng KAPA at ilan pang mga investment group sa bansa.