-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Muling naglabas ng babala ang Securities and Exchange Commission (SEC) ukol sa mga panibagong investment scam na lumulutang ngayon.

Binabalaan ng SEC ang publiko sa pag-invest sa Requiza Agriculture Products Trading na hindi raw Department of Trade and Industry.

Tinatayang aabot umano sa 40 hanggang 50 percent ang ipinapangakong return of investment ng Requiza Polutry sa mga investors nito.

Nabatid sa website ng “Requiza Poultry” isa itong poultry business kung saan ang mga investors ay kinakailangang bumili ng 35 piraso ng sisiw na nagkakahalaga ng P3,500 at pagkatapos ng 60 days ay makukuha na umano ang tubo ng kanilang pera.