CAGAYAN DE ORO CITY-Habang abala sa pag-asikaso ng mga kaso laban sa KAPA International Ministry Inc., nagpalabas ng babala sa publiko ang Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa panibagong investment activity dito sa Mindanao.
Sa ipinalabas na advisory ng SEC, hinakayat nito ang publiko na huwag mag-invest sa Munificence Ministry dahil kahintulad sa KAPA ang modus nito.
Ayon sa SEC, nagpakilala ang Munificence Ministry na isang non-profit organization at nag-o-operate sa pangangasiwa ng Inter-denominational Evangelical Church Ministries Inc. kung saan ang operasyon nito ay nakasentro sa Mindanao, partikular na sa General Santos at Tagum City.
Ginagamit umano ng Munificence Ministry ang social media sa pag-engganyo ng mga kliyente kung saan nag-alok ito ng mata-as na ‘return of investment’ na aabot sa 45 percent bawat buwan.
Dagdag pa ng ahensiya na nakarehistro sa kanila ang Munificence Ministry bilang religious organization at hindi isang korporasyon.