-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Pinag-iingat ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang publiko laban sa online investment scheme na Weeclick club.
Sa kanilang public advisory, sinabi ng SEC na modus nang Weeclick ang paghikayat sa publiko sa pag-invest sa kanilang membership packages or accounts na nagkakahalaga ng P500 hanggang P1,000.
Kabilang rin sa investment schemes ang alok na P500 minimum withdrawals bawat account kung saan ang bawat miyembro ay kinakailangang mag-invite ng dalawang tao upang makatanggap ng pay-out na aabot sa 110 percent.
Inihayag ng SEC na hindi rehistrado ang Weeclick bilang korporasyon o partnership at hindi otorisado na mag-alok, mag-solicit,magbenta at mag-distribute ng kahit anong investment/securities sa publiko.