-- Advertisements --

Nagbabala ang Securities and Exchange Commission sa publiko tungkol sa limang karagdagang investment scam na nanamantala ngayong may problema ang bansa sa coronavirus.

Sa inilabas na abiso ng SEC, pinangalanan ang naturang mga nagpapakilalang investment firms na Cryptec; CryptoPeso; V2R Trades; Lao Razon Trading na kilala rin bilang Lao Razon Marketing; at Sakto Online Advertising.

Batay sa record ng ahensya, wala raw lisensya ang nasabing mga entities para mangalap ng investments mula sa publiko, na direktang paglabag sa Securities Regulation Code.

Sa ilalim ng naturang batas, maaaring patawan ng P5-milyong multa o maharap sa 21-taong pagkakakulong ang sinumang nagtatrabaho bilang salesment, brokers, o ahente ng kaduda-dudang mga investment schemes.

Maliban pa rito, puwede ring kasuhan ng paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act ang mga mananamantala ngayong panahon ng krisis.